I am jay, a pinoy expat... This is my story...

Home » Tags

Zagu

September 6, 2006

Nagtext sa kin si tukog nung isang linggo… "bro dadating si LJ sa sabado…"

Ah si LJ…

Si Lovejoy, kapatid ni tukog. Di ko maalala kung ano tawag namin sa kanya. Isa din sya sa pasimuno ng munting prat namin noon. Naalala ko, sya pala yung nagsketch ng coat of arms ng prat. Medjo magaling din kasi gumuhit si LJ.

Rakista. Naalala ko paborito nyang kanta ang sweet child of mine ng guns and roses. Isa din sya sa nagturo sa amin ng iba't ibang kamunduhan at kalokohan. Magrolyo ng RP, mag hithit ng RP, mamboso, at magkunwari.

Naalala ko, minsan lasing na lasing yung bagong dating na sis namin galing marawi. Lahat kami nasa hostel ni tukog. Syempre, kapatiran. Pinunasan at binihisan namin si sis. Sabi nya, "Bro, asikasuhin at alagaan natin sya para wala silang masabi sa tin…" Sinabi nya yun ng walang dudang kaplastikan… sinagot ko din sya nang walang dudang kaplastikan… Kinabukasan, di nya napigilang sabihin sa kin ang kamunduhang nasa isip nya. Buti na lang daw andun ako… yun din naisip ko… buti na lang andun sya…

Nagkitakita kami ni tukog at LJ kahapon. Inaasikaso kasi ni LJ ang papeles nya pa saudi. Drayber ng bus sa kompanyang pinapasukan ni Camel. Ayun, kwentuhan. Pilit na binalikbalikan ang kahapon. Kantyawan. Tawanan. Nakwento nya ang hirap sa mindanao at ang hirap ng isang ama na mawalay sa anak, at ang pagiging asawa na mawalay sa asawa…

Gaya ng dati, namasyal kami na walang ekstrang pera. Walang pakialam basta magkakasama lang kaming tatlo. E ano bang magagawa namin e gusto ni tukog maglakad.

Dapat daw magpaunlak ako at sa tagal na namin na hindi nagkita. Nadale ako. Isang daan lang ekstra ko pero hayaan na. Bumili na lang ako ng Zagu para sa aming tatlo. Regular lang, walang halong sago. Nabunot ko pa ang dalawang pisong natitirang coins ko. Nasa isip ko, wantutrihin ko na lang yung jip na sasakyan ko papuntang Buendia.

Pero ang mga zagung yun ang nagpahaba lalo ng kwentuhan. Nagpapaikot sa amin sa loob ng mall na di halatang walang pera. Nagpaboko kay tukog sa kanyang corruption sexperience… at sa mga kwento ng samahan na di ko nasaksihan…

Masaya kahit papano. Masaya kahit walang pera. Masaya kahit Zagu lang…

Posted by iamjay at 12:01 pm | permalink | Add comment

Unlimitxt

July 9, 2006

Nakatanggap ako ng text message galing sa asawa ko nung sang linggo. Na excite naman ako sa nabasa ko. Naisip ko na i-forward ito sa sang kaibigan na walang trabaho at kahit papano makakatulong ako sa kanya. Gusto ko lang naman tumanaw ng utang na loob sa kanya. Natulungan kasi ako nun nung college ako at sya ang naging sandalan ko kung walang wala na talaga ako. Eto ang natanggap kong text:

'Bka nman may kilala kang may gusto. hiring kc s Enchanted Kingdom hanggan katapusan. malaki salary, 30k a m0nth.'

Syempre, sino ba naman ang di magkakainteres. Gusto ko nga din, sa palagay ko. Pero naisip ko na many trabaho naman ako at di naman ako naghahanap ng isa pa.

Ayun, pinasa ko sa kaibigan ko. Maya maya sinagot nya ako ng 'Tado!'. Nagulat ako sa natanggap ko. Seryoso naman ako sa tnext ko. Gusto ko lang naman sya tulungan makahanap ng trabaho.

Kung tutuosin, mahilig kami magkulitan ni Tukog sa text sa panhihinayang sa unlimitxt ng globe. Araw-araw maghapon kami kung magkulitan sa text. Karamihan na natatanggap ko sa kanya mga walang kwentang kumustahan oras-oras, mga sagot na 'tado!', 'leche!', 'pak u ka!' at kung ano ano pa.

Pero seryoso ako sa gabing yun. Di naman ako nagbibiro. Di naman mahilig makipagbiruan ang asawa ko sa text. Di ko maisip kung bakit ganun ang reaksyon ng payatot na yun. Hindi naman sya nakapagtrabho ni minsan mula nang ipinanganak si Adan. Kapal ng mukha!
Sinagot ko sya. 'hoy! pak u ka!'

Nagtxt sya nung maghahating gabi nya. Sabi nya interesado daw si Pedro (kaibigan namin sa mindanao na jobless din) sa trabaho sa enchanted kingdom at nagtatanong kung ano ang requirements. Lalo ako nabanas! Eto nga, gusto ko nga sya magkaron ng trabaho tapos pinasa pa nya sa iba. Naisip ko na wala talagang plano tong taong to na magtrabaho at ala nang ginawa maghapon kundi magpalaki ng bayag. Pero choice nya yun. La na ako magawa sa aspetong iyon.

Tinanong ko asawa ko kung ano requirements sa Enchanted Kingdom. Natawa ang gaga! Di ko alam kung bakit. Ano ba daw ang nagyari sa kin at pumatol ako sa text? Huh?

'Basahin mo nga hanggang sa dulo! Eng ong!'

Nakailang pindot na ako ng scroll down puro bakante, hanggang sa nabasa ko ang mga katagang ito…

'Tiga-2lak ng Anch0rs Away!'

Namangha ako habang humahagikhik sa tawa ang misis ko. Di ko na sinagot si Tukog. Pak yu sya!

Posted by iamjay at 11:50 am | permalink | Add comment

Prat

Wala lang. Naalala ko lang ang dalawang pinakamalapit kong kaibigan sa probinsya.

Si Bobot…

Huli ko sya nakita nung 1998 sa Cagayan de Oro, nagbakasyon ako nun. Hinahangaan namin ang katalinuhan ni ilong. Di man sya lider, sya ang naging susi sa aming pagkakabuo. Siya ang nag-iisip ng kung anu-ano lang, sumaya lang kami lahat.

Trigonometry class namin nun. Uso ang patayan sa prat sa maynila at cebu. Uso din ang alpha, sigma at theta kapag trigonometry. Naki-uso din kami. Bumuo kami ng pangalan ng prat namin kuno, hango din sa trigo ang pangalan. La lang, katuwaan lang. Si bobot nun, nakikihalubilo lang. Di naman namin sya kaibigan talaga pero cool.

Di nagtagal, lumipat sya ng skul kasi gusto nya maging pulitiko ata. Wala kasing ganung kurs sa skul namin. Matagal din syang si nagpapakita sa amin. Akala nga namin patay na ang loko o naging bihag na sya ng abu sayaff.

Bigla na lang sya bumalik. Hinihingal. Kala namin nanalo sya sa eleksyon sa skul nya. Di naman pala. May dala-dala syang papel. Konsti daw yun ng prat na nabuo nya dun at kung di namin buohin sa skul namin, lagot sya! Hah? Di namin sya binigo at nagpaluan din kami dun sa taas ng restorant ng ka-prat namin. Pagkatapos, kumain kami ng lomi at eksayted sa mga pangyayari. Isang malaking kasaysayan na lang ang sumunod.

Yan si Bobot at kung ano ang pangalan ng prat namin, sa amin na lang yun. Pagkakaalam ko, malaki na ang grupong yun sa probinsya. Mahirap na.

Si Bobot. Matalino. Pulitiko (na hindi naging). Babaero.

Si Jan…

Tukog (stick sa wikang banyaga) ang tawag namin sa kanya. Di naman sya masyado adik, mukha lang dahil sa kapayatan. Sya din ang nagturo sa amin humithit ng kung anu-ano… sugarilyo, rp, at bibiliya. Sya ang tipong walang paki-alam kung ano ang mangyari bukas,basta masaya lang ngayon. Sya ang naging lider namin sa loob ng dalawang taon. Matalino din ang loko. Mahilig din mag-isip ng kung anu-ano basta kalokohan. Cool din sya.
Nung pagkabuo ng prat namin, ginawa namin hostel ang apartment ni tukog. Masaya. Dami beer at marlboro lalo pag unang linggo ng bwan. Gin at more na pag la na pera. May mga babae din.

Naalala ko, may dala dalang babae si bobot galing sa skul nya. Masaya kami kase mga ka-sis nga namin. Inalagaan namin sila. Pinalo din namin sila gaya ng ibang prat jan. Pagka-iba lang, walang patayan sa amin. Gusto lang namin sumaya kahit saglit lang. Pero di din namin maiwasan. Tao lang kami gaya ng lahat.

Yun ang simula kung bakit Hostel ang tawag namin sa apartment ni tukog. Masaya. Malungkot kung alang pera.

Kahibangan. Kalokohan kung sasabihin natin. Pero may malaking natutunan din kami sa munting prat namin. Masaya pala. Ramdam na ramdam ang kapatiran. Sabi nga ng isang kaprat ko, 'bro, ok man diay ang prat. lami kaayo pamati-un ang pagkasuod natong tanan…' Totoo yun, kahit sa ibang prat. Ang sarap ng pakiramdam ng may samahan kang sasandalan sa hirap o ginhawa.

Ang pagkakaalam ko, lumalaki na ang prat namin. Madami nang myembro. Madami na din ang skul. Pero nagsimula lang ang lahat sa Trigonometry class namin. Sa pagiging pulitiko ni Bobot. Sa hostel ni Tukog. At sa barkadahang walang katulad.

Posted by iamjay at 11:48 am | permalink | Add comment